Home ENTERTAINMENT Gabbi, dinedma sa Paris!

Gabbi, dinedma sa Paris!

320
0

Paris, France – Heartbreaking ba o carry lang para kay Gabbi Garcia na rumampa sa mga kalye ng Paris, France—pero tila dedma lang ang mga tao sa kanya?

Nakapasabay nga ang Kapuso actress sa huling mga araw ng Paris Fashion Week, at todo pa ang excitement niya sa social media post:

“Back in the last days of the fashion week. Hope I’m not late at the party. Thanks to my Belo fam!”

Kasama niya sa trip ang mag-asawang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, na siyang nag-imbita sa kanya.

Ang catch? Hindi man lang siya nakapasok sa mga fashion shows dahil literal na sa mga kalye ng Paris siya rumarampa—singing and posing for the camera pa, gaya ng makikita sa kanyang reels.

Kahit anong paandar niya, tila walang pumapansin — daan-daanan lang siya ng mga tao roon.

Pero sa kabila ng “dedma moments,” chill lang si Gabbi. Wala raw siyang oras para maapektuhan ng mga bashers, lalo na’t on point naman ang kanyang outfit — jacket by Neric Beltran at dress by Vania Romoff.

So, kung walang pansin, aba, bawi sa outfit na lang!

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here