Manila, Philippines — Marami ang napanganga at humanga sa kaseksihan ni Angelica Hart.
Workout at fasting lang daw ang kanyang secret. Kahit kumain siya ng extra rice ay walang problema.
Hindi naman daw uma-absent sa workout si Angela, maliban na lang kapag may shooting o taping.
Naka-focus ngayon si Angela sa kanyang serye sa TV5 na Totoy Bato.
Bukod dito, regular din siyang napapanood sa Bubble Gang at TiktoClock News ng GMA-7.
“Minsan ko lang nakasama si Michael V sa taping pero sobrang lawak niyang tao. Masayahin siya at lagi siyang nakangiti.
“Mahal na mahal niya ang work niya at napakabait niya,” sabi pa niya.
Sa Totoy Bato, ang karakter ni Angelica ang tagahawak ng sikreto ng bida na si Kiko Estrada.
FYI, si Andrew Muhlach ang love interest ni Angelica sa Totoy Bato.
At FYI din, si Andrew ang real-life boyfriend ni Angelica.
Siyam na buwan na silang mag-jowa ni Andrew.
Sa mga hindi nakakaalam, si Andrew ay kabilang sa showbiz royalty ng mga Muhlach. Kapatid siya ni Aga.
“Na-introduce na ako ni Andrew sa Muhlach family — sa mga kapatid niya, kay Tito Alex, at iba pa.
“Nung una, kinabahan ako na baka hindi nila ako magustuhan, pero tinanggap nila ako nang sobra.
“Alam nila ‘yung naging work ko dati, alam nila kung saan ako nanggaling,” sabi pa ni Angelica.
Inamin din ni Angelica na hindi pa siya naipapakilala ng kanyang jowa kay Aga.
Si Angelica ay sumabak na sa pagpapa-sexy sa Vivamax, na ngayon ay tinatawag nang VMX.
All the way ang paghuhubad niya noon sa Vivamax kung saan ay nakagawa na siya ng maraming pelikula.
Ayon kay Angelica, pinagbawalan siya ng kanyang lola na magpa-sexy pero hindi siya noon napigilan.
“19 years old ako nun nang nag-Vivamax ako.
Pinagmumura ako ng lola ko,” sabi pa niya.
Kaya naman tuwang-tuwa ngayon ang kanyang lola dahil wala na si Angelica sa sexy genre.
“Hindi ko na kaya ang mag-sexy. Nakasampu na ako, e, quota na ako.”
Sinabi ni Angelica na masaya siya kay Andrew.
“Lahat ng naging relationship na pinasukan ko, hindi talaga naging okay at walang mintis — puro third party ang dahilan ng split-up namin kaya may trust issue ako.
“Si Andrew, natutulungan niya ako dahil naiintindihan niya ako. At siya ang naglapit sa akin kay Lord,” pagmamalaki ni Angelica.
Matagal nang mahilig sa showbiz si Angelica.
“13 years old pa lang ako, nasa teatro na ako. Bata pa lang ako, pangarap ko na talaga ang maging artista.
“Sabi ng mommy ko noon, umaakyat daw ako lagi sa stage at sumasayaw. Mahilig din ako sa mga artista noong bata ako,” kuwento niya.
Nadiskubre si Angelica ni Direk Bobet Vidanes, ang dati niyang manager, hanggang sa nagkaroon daw ng isyu.
Ngayon ay nasa Viva Artist Agency na si Angelica.
Dream project talaga ni Angelica ang magkaroon ng serye kaya katuparan ng kanyang pangarap ang Totoy Bato.
“Ang gusto ko ngayong makatrabaho, si Empoy.”
Hindi naman niya maipaliwanag kung bakit gusto niyang maka-work ang komedyante. JP Ignacio