Home ENTERTAINMENT Chanda, ‘tsinugi’ sa socmed!

Chanda, ‘tsinugi’ sa socmed!

304
0

Manila, Philippines – Si Chanda Romero ang latest victim ng death hoax.

Sa Facebook account ng isang nagngangalang Jonel Berdan naka-post ang: “Malungkot na balita.

‘Pumanaw na ang veteran actress na si Chanda Romero dahil sa sakit sa puso.’”

Nakasaad din ang “Rest in peace” kasama ng kanyang kapanganakan na February 24, 1954.

Bale 71 anyos na ang aktres.

Umabot sa 751 ang reaksyon mula sa mga netizens na iisa lang ang sabi — maliwanag na fake news ito!

Nag-react din ang Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonzo.

Matatandaang ang Quantum Films ang nag-produce ng MMFF entry na Espantaho kung saan kabilang si Chanda sa cast led by Judy Ann Santos.

Alonzo flatly denied the news, saying that Chanda is happy and alive.

Mismong ang lady lawyer-producer na rin ang nagsabing ang Jonel Berdan na siyang nag-post sa kanyang FB ng fake news ay siya ring responsable sa pagpapakalat ng maling balita tungkol kay Michael de Mesa.

Sa kaso ni Michael, idinaan na lang niya sa biro ang death hoax pero nagpatulong siya para matunton ang may pasimuno nito.

Saad pa ni Alonzo, sana raw ay ‘yung mga nagpapakalat na lang nito ang matigok!

Ang karma…
Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here