Home NATIONWIDE Pinas umutang ng $400-M sa ADB sa pagpapalakas ng insurance sector

Pinas umutang ng $400-M sa ADB sa pagpapalakas ng insurance sector

270
0

MANILA, Philippines — Umutang ng $400 milyon ang Pilipinas mula sa Asian Development Bank (ADB) upang maisulong ang modernisasyon at digitalisasyon ng insurance industry sa bansa.

Ayon sa ADB, layon ng pautang na gawing mas episyente at makatao ang merkado ng insurance upang matulungan ang mga Pilipino na mas maayos na pamahalaan ang panganib dulot ng klima at mapahusay ang disaster resilience.

“By modernizing the regulatory framework, we are… building a critical line of protection for the nation,” pahayag ni Andrew Jeffries, ADB Country Director para sa Pilipinas.

Ipapatupad ang programa sa tatlong yugto katuwang ang Insurance Commission, at magsusulong din ito ng pangmatagalang pondo para sa mga proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno.

Kamakailan, nagbigay din ang ADB ng pondo para sa mga programa sa disaster response, food security, at imprastruktura, kabilang ang $1.45 bilyon para sa Malolos–Clark Railway Project at $400 milyon para sa Walang Gutom Food Stamp Program. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here