Home NATIONWIDE Henry Alcantara, sinugod sa ospital sa ‘pananakit ng dibdib’

Henry Alcantara, sinugod sa ospital sa ‘pananakit ng dibdib’

302
0

MANILA, Philippines — Dinala sa Pasay Medical Center noong Lunes si Henry Alcantara, dating district engineer ng Bulacan, matapos makaramdam ng pananakit ng dibdib, ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.

Sumailalim si Alcantara sa ECG at iba pang pagsusuri, at natukoy na muscle spasm lamang ang sanhi. Ibinalik siya sa Senado sa parehong araw at patuloy na mino-monitor ng medical team ang kanyang kalagayan.

Noong Setyembre 18, itinuring siyang in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee matapos umanong magsinungaling tungkol sa ghost flood control projects sa Bulacan. Humiling din siya at ang dalawang dating engineer na mapayagan sa house arrest, ngunit wala pang desisyon ang komite. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here