Home NATIONWIDE VP Sara nagkomento sa pagkatatanggal ni Prosecutor Khan sa Duterte ICC case

VP Sara nagkomento sa pagkatatanggal ni Prosecutor Khan sa Duterte ICC case

304
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Vice President Sara Duterte, may conflict of interest si International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan, dahilan ng ulat na siya’y na-disqualify sa kaso ng krimen laban sa sangkatauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hindi ko pa po nababasa ang papel kung ano ‘yung laman ng desisyon ng diskwalipikasyon pero ang pagkakaalam ko po ay meron talaga siyang conflict of interest dahil meron siyang mga representasyon noon sa mga alleged or supposed witnesses,” sabi niya sa Zamboanga City, tumutukoy sa 2018 na trabaho ni Khan bilang kinatawan ng higit 100 biktima ng drug war ni Duterte.

Tungkol sa epekto ng desisyon, binigyang-diin ni Sara na ang pinakamahalaga ay ang paghahanda ng depensa laban sa lahat ng posibleng ebidensya mula sa prosekusyon. “Sa prosecution naman kasi hindi mahalaga kung sino yung prosecutor eh…ang mahalaga talaga is yung preparation nung defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga posibleng ilabas na witnesses at ebidensya ng prosecution,” dagdag niya.

Noong Agosto, hiniling ng depensa ni Duterte ang diskwalipikasyon ni Khan, dahil sa dating partisipasyon niya sa kaso ng drug war bilang posibleng “irreconcilable conflict of interest,” habang iginiit ni Khan na ang dati niyang trabaho ay hindi nakakaapekto sa kasalukuyang tungkulin niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here