Home NATIONWIDE PBBM at Speaker Dy, handang isapubliko kanilang SALN 

PBBM at Speaker Dy, handang isapubliko kanilang SALN 

270
0

MANILA, Philippines – Handa si Pangulo Ferdinand Marcos Jr. na ibigay sa publiko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa sinumang hihiling, kabilang ang Ombudsman at Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ayon sa Pangulo, susundin nila ang lumang patakaran ng Ombudsman na muling pagbubukas ng access sa SALN, na pina-suspinde sa nakaraang administrasyon, at ipag-uutos rin sa gabinete ang ganitong hakbang.

Kasabay nito, nagpahayag ng kahandaan si House Speaker Ferdinand “Bojie” Dy III na kusang ilabas ang kanyang SALN upang magsilbing halimbawa at itaguyod ang transparency sa Kamara.

Ayon kay Dy, matagal nang ginagawa ng Kamara ang pagbubukas ng SALN ng mga mambabatas at panahon na para ito’y maibalik, alinsunod sa bagong memorandum ng Ombudsman Jesus Crispin Remulla, na nagtatakda na ang publiko ay maaaring makakuha ng kopya ng SALN sa loob ng 10 araw matapos itong maihain.

Ang hakbang nina PBBM at Dy ay bahagi ng muling pagpapatibay ng transparency sa gobyerno at pagpapakita ng halimbawa sa mga opisyal. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here