Home NATIONWIDE E-vouchers sa Walang Gutom beneficiaries, ikinasa ni PBBM

E-vouchers sa Walang Gutom beneficiaries, ikinasa ni PBBM

360
0

MANILA, Philippines – Inilunsad na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang electronic food vouchers para sa 750,000 beneficiary ng Walang Gutom Program (WGP), layon nito na palakasin at palakihin ang anti-hunger campaign ng gobyerno.

Sa nasabing paglulunsad ng Reducing Food Insecurity and Undernutrition with Electronic Vouchers (REFUEL) Project sa San Andres Sports Complex sa Maynila, winika ni Pangulong Marcos na tutulong ang gobyerno sa mga benepisaryo ng WGP sa paggamit ng digital vouchers.

“Patuloy ang ating pagbigay ng tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong,” ang sinabi ng Pangulo.

“Palagay ko pagkatapos ng taon, mas bababa po. Dahan-dahan pong natutupad ang pangarap ng inyong Pangulo, ang pangarap po ng bawat Pilipino na wala ng pamilyang nagugutom,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, katuwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Asian Development Bank (ADB) sa pag- roll out ng monthly electronic food vouchers, naglalayon na palawakin ang saklaw ng WGP sa 750,000 sambahayan sa buong bansa sa 2026.

Ang WGP ay magbibigay ng buwanang P3,000 electronic food credits sa mga low-income household.

Samantala, ang P74-billion REFUEL Project, isang government-led initiative na sumusuporta para palakihin ang WGP, ay pinondohan sa pamamagitan ng loan mula sa ADB at co-financed ng Agence Française de Développement at Organization of the Petroleum Exporting Countries – Fund for International Development.

Ang bagong lunsad na programa ay aglalayon na suportahan ang misyon ng WGP na bawasan ang pagkagutom at paghusayin ang nutrisyon mula 2025 hanggang 2028 sa pamamagitan ng ‘food support, behavior change sessions, at mas malakas na social protection systems.’

Sinabi naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang paglulunsad ng REFUEL Project ay tanda ng panibagong milestone sa pagsisikap ng ahensiya na baguhin ang food assistance programs at tiyakin na ang bawat pamilyang filipino ay mayroong access sa masustansiya at abot-kayang halaga ng pagkain.

“This partnership with the Asian Development Bank reflects President Marcos Jr. and the DSWD’s vision of a Philippines where no one goes to bed hungry. Through the REFUEL Project, we are expanding the reach and impact of the Walang Gutom Program so that more families can have access to nutritious food,” ayon sa Kalihim.

“The REFUEL Project reflects our joint commitment to design evidence-based, sustainable programs that respond to the needs of Filipino families and promote inclusive growth,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here