Home METRO Transport stirke ng Manibela, mapayapang natapos – PNP

Transport stirke ng Manibela, mapayapang natapos – PNP

288
0

MANILA, Philippines – Mapayapang natapos ang tatlong araw na transport strike sa pangunguna ng transport group na Manibela noong Miyerkules, na walang naitalang hindi kanais-nais na insidente, sabi ni acting Philippine National Police (PNP) chief, Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“The situation was generally peaceful and manageable. Our police units continue to maintain visibility in key transport terminals and major routes to ensure the safety of commuters and the smooth flow of traffic. Sa pangkalahatan, naging maayos at tahimik ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng transport strike,” saad ni Nartatez.

Ang mga puwersa ng pulisya ay inatasang siguruhin ang protesta alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng pagsasagawa ng mga lehitimong aksyong protesta.

Ang transport strike, na nagsimula noong Oktubre 13, ay ginanap sa Quezon City at sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon. Ipinalabas ng grupo ang pangamba ng mga jeepney driver sa mataas na multa na ipinataw sa mga manggagawa ng public utility vehicle (PUV).

Mahigpit na nakipagtulungan ang PNP sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Transportation, at mga local government units para subaybayan ang mga apektadong ruta at tulungan ang mga commuter sa panahon ng protesta.

“I commend our men and women on the ground for ensuring that peace and order were upheld without any confrontation or escalation. This demonstrates our commitment to upholding both public safety and the people’s right to peaceful assembly,” dagdag niya.

“Nananawagan tayo sa lahat na patuloy na makipagtulungan at pairalin ang disiplina at respeto sa batas. Ang ating tungkulin ay mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng bawat mamamayan (We call on everyone to continue to cooperate and enforce discipline and respect for the law. Our duty is to maintain the peace and security of every citizen),” ani pa niya.

Sa pagbalik sa normal na operasyon, nananatili ang PNP sa pagiging alerto at handa sa kung anumang sitwasyong makaka-apekto sa public order at safety, ayon kay Nartatez. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here