Home ENTERTAINMENT Donasyon ni Barbie, ikinumpara kay Kim!

Donasyon ni Barbie, ikinumpara kay Kim!

256
0

Cebu, Philippines – Nasa halaga nga ba ng donasyon ang pagtulong o nasa puso lalo’t kung bukal naman?

Lumikha kasi ng isyu ang respective donations nina Kim Chiu at Barbie Forteza sa mga biktima ng lindol sa Cebu kamakailan.

Naiulat kasing nag-donate ng dalawang 10-wheeler truck ng construction materials ang Kapamilya actress.

Ang mga ito’y nakalaan sa muling pagpapatayo ng mga Cebuano nating kababayan ng bahay na winasak ng 6.9 earthquake.

Bukod dito’y nagbigay pa si Kim ng isang milyong piso, na bukod sa P1M ding donasyon ni Paulo Avelino.

Kim and Paulo were shooting the upcoming series The Alibi when the earthquake struck.

Samantala, nagbigay rin ng P100k na donasyon si Barbie Forteza specifically for Save the Children Philippines.

Mga bata sa Northern Cebu ang benepisyaryo ng naturang NGO of which Barbie is the ambassador.

Dahilan tuloy ito ng pagkukumpara kina Kim at Barbie as regards their amounts of donation.

Kung tutuusin, hindi ito dapat maging isang big deal.

Regardless of the amount, ang mahalaga’y may naibahagi sila sa abot ng kanilang makakaya.

Isang klasikong halimbawa na lang ang nag-viral na lalaki na nag-donate ng baryang nagkakahalaga ng P19–yes, disinuwebe pesos!

Nangako pa ang lalaking babalik para mag-donate uli.

Entonces, it’s not the amount of money that counts!

Mas gawin nating isyu ang bilyong pisong ninanakaw ng mga korap sa gobyerno, ‘no! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here