MANILA, Philippines – Karamihan sa mga casualties sakaling tumama ang The Big One ay mga Informal Settler Families (ISFs), ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Jonvic Remulla.
Ito ang sinabi ni Remulla sa Senate subpanel on finance hearing sa panukalang pagpopondo sa DILG sa 2026 at attached agencies nito nang tanungin ni Senador JV Ejercito na siyang nanguna sa pagdinig kung ang ahensya ay naghahanda sa The Big One na maaring tumama sa Metro Manila.
Sinabi ni Remulla na kung tungkol sa mga lungsod, naniniwala siya na ang National Building Code ay nagpapatuloy.
Gayunman, binanggit niya ang pangangailangang palakasin ang mga building code para sa mga munisipalidad upang masuri nila ang intergridad ng kani-kanilang mga istruktura.
Aniya, karamihan sa mga casualties ay magmumula sa ISFs dahil walang mga permit ang kanilang mga itinayong bahay–nagluluto sa gas at iba pang non-regulated cooking na siyang pinagmumulan ng sunog at nagdudulot ng pagkapinsala sakaling dumating ang the big one.
Samantala, sa nasabing pagdinig, sinabi ni Undersecreary Marlo Iringan na nakabuo na ang DILG ng ilang protocols na magagamit ng mga local government units upang mapaghandaan ang anumang posibleng mangyari. Jocelyn Tabangcura-Domenden