Home ENTERTAINMENT Kim, pinakalma ng netizen!

Kim, pinakalma ng netizen!

299
0

Manila, Philippines – Naiyak si Kim Chiu nang putulin ang kanyang mahabang buhok.

Hangga’t maaari kasi ay ayaw niya itong paikliin.

Pero dahil kailangan para sa role niya sa bagong serye nila ni Paulo Avelino ay pinaputulan nga niya ito.

Sa kanyang latest vlog, sainabi ni Kim habang ginugupitan at naiiyak, “Sa ngalan ng sining, gagawin ko ang lahat.

“Bye long hair. See you again after taping.

“Lord, I offer my hair to the success of this teleserye.

“Napaka-OA. Pero OA talaga. Kasi di ba, sabi nila, ‘yung buhok mo is part of your confidence?

“But I’m gonna give another kind of confidence,”

Isa sa dahilan kung bakit napapayag ding magpaputol ng buhok si Kim ay dahil sa direktor ng sereye nila na si Direk FM Reyes.

“Kung hindi ko lang talaga mahal si FM,” aniya pa.

Sa comment section, marami naman sa mga mga faney ni Kim ang nagsasabi na bagay din sa kanya ang maiksing buhok.

Sabi nga ng isa, “Bagay naman kahit anong gupit kasi maliit mukha madali lang ‘yan hahaba.”

Ang reaksyon naman ng isa pa, “Grabe! Kahit ako maiiyak sa ganda ng long hair mo kasi alagang alaga mo ‘yun. Pero ok din ang short carry mo naman.” Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here