Home METRO Operator, 4 durugista laglag sa ginibang drug den sa Bulacan

Operator, 4 durugista laglag sa ginibang drug den sa Bulacan

208
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang limang indibiduwal kabilang ang 43 anyos na lalaking drug den operator sa drug bust operation ng mga operatiba sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang mga suspek na si alyas Jai, drug den operator, alyas Ark, 31, alyas Nick, 31, Mat-Mat, 29 at alyas Icah, 36.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng mga ahente ng PDEA Bulacan katuwang ang Provincial Intelligence Team Bulacan bandang 4:18 ng hapon nitong Oktubre 15 sa Brgy. Muzon South 200.

Nakumpiska sa operasyon ang apat na transparent plastic sachets na may 15 grams ng shabu na halagang P102,000.00, mga paraphernalia at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng PDEA Bulacan. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here