Home METRO Aso sinaksak ng lasing sa Quezon

Aso sinaksak ng lasing sa Quezon

279
0

QUEZON, Philippines – Sinaksak ng isang lasing na magsasaka ang isang alagang aso gamit ang isang basag na bote sa Sitio Parada, Brgy. Vista Hermosa, Macalelon noong Sabado, Oktubre 11, 2025.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Mark”.

Ayon sa imbestigasyon, nairita ang suspek sa asong nagngangalang Tanggol, pagmamayari ni Raden, 58, dahil sa walang humpay na pagtahol nito.

Pinulot ni Mark ang isang basag na bote ng beer at pinagsasaksak ang aso sa tiyan.

Pinaghahahanap na ang suspek sa ikinasang manhunt operation.

Kakaharapin niya ang kasong paglabag sa Republic Act No. 8485, na inamyendahan ng Republic Act No. 10631 o Animal Welfare Act of 1998.

Sa ngayon, nakaligtas at nagpapagaling pa ang aso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here