MANILA, Philippines – Iniulat ni PCOL Randy Glenn Silvio, Acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD), ang matagumpay na pag-aresto sa walong (8) Most Wanted Persons (MWPs), kapwa sa antas ng distrito at istasyon, kasunod ng sunod-sunod na pinaigting na manhunt operations na isinagawa ng iba’t ibang QCPD units at police stations.
Ayon sa QC police ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni PLTCOL Edison Ouano ay nagsilbi ng WOA sa No. 1 District Level MWP na kinilalang si alyas “Chris Mark”, 36 taong gulang, residente ng Brgy. 178 Camarin, Caloocan City noong 1:10 ng hapon ng Oktubre 14, 2025 sa Quezon City Jail Dormitory, Brgy. Payatas, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA for Murder na inisyu ng Branch 91, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.
Bukod dito, alas-10:45 ng umaga ng Oktubre 15, 2025, naaresto ng parehong mga operatiba kasama ang Cubao Police Station 7 ang No. 8 MWP ng PS 7 na kinilalang si alyas “Benjamin”, 27 taong gulang, residente ng Malaya Anonas, Quezon City sa Hall of Justice, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa Estafa na inisyu ng Branch 308, RTC, Quezon City.
Kaugnay nito inaresto ng pinagsanib na operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) sa ilalim ng PMAJ Freddie Zorilla at Holy Spirit Police Station 14 sa ilalim ni PLTCOL Jerfy Gamboa ang No.2 MWP ng PS 14 na kinilalang si alyas “Najiral”, 55 taong gulang, residente ng Brgy. Culiat, Quezon City bandang 2:20 PM ng Oktubre 14, 2025 sa Tandang Sora Footbridge, along Commonwealth, Brgy. Bagong Panahon, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA for Murder na inisyu ng Branch 2, RTC, Isabela, Basilan.
Ang Novaliches Police Station 4 sa ilalim ng PLTCOL Aljun Belista ay nagsilbi ng WOA sa kanilang No. 4 MWP na kinilala bilang alyas “Gyrofer”, 35 taong gulang, residente ng Upper Bicutan Taguig City noong 5:30 PM ng Oktubre 14, 2025 sa PS 4 Custodial Facility. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa Robbery with Homicide na inisyu ng Branch 197, RTC, Las Piñas City. Sa pag-verify sa pamamagitan ng ISAV system, nabunyag na ang akusado ay may mga nakaraang kaso para sa Robbery with Serious Physical Injuries at Frustrated Murder noong Marso 2024.
Samantala inaresto naman ng Fairview Police Station 5 sa ilalim ng PLTCOL Geronimo Dimayuga Jr. ang No. 1 MWP na kinilalang si alyas “Jamaiel”, 47 anyos, alas-2:40 ng hapon noong Oktubre 15, 2025 sa kanyang tirahan sa Brgy. North Fairview, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na inisyu ng Branch 82, RTC, Quezon City.
Habang inaresto naman ng Batasan Police Station 6 sa ilalim ni PLTCOL Romil Avenido ang No.10 MWP nitong si alyas “Mark Anthony”, 35 anyos, at residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City sa ganap na 11:00 AM ng Oktubre 14, 2025 sa Riverside Extension, Brgy. Commonwealth, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa paglabag sa R.A. 9165 na inisyu ng Branch 309, RTC, Quezon City.
Kaugnay nito inaresto naman ng Eastwood Police Station 12 sa ilalim ni PLTCOL Christopher Siriban ang No. 4 MWP na kinilalang si alyas “Ronald”, 43 taong gulang noong 11:45 PM noong Oktubre 15, 2025 sa kanyang tirahan sa Bagumbayan, Quezon City. Siya ay may nakabinbing WOA para sa paglabag sa at R.A 10883 o ang New Anti Carnapping Act of 2016 at Qualified Theft, na inisyu ng Branch 285, RTC, Valenzuela City. (Santi Celario)