MANILA, Philippines – Nagsampa ang Humane Philippines ng kauna-unahang kaso laban sa isang dog breeder na taga-Las Piñas City na inabandona na lamang ang kanyang may sakit na French bulldog matapos itong gamitin sa breeding.
Ayon sa grupo, paalala ang inihain nilang kaso na may kaakibat na responsibilidad ang pagiging breeder at hindi dapat ituring na parang sirang gamit ang mga hayop kapag hindi na pinagkakakitaan.
“Walang hayop ang dapat itapon o pabayaan sa kalye. Ang kanyang kalupitan at kapabayaan ay dapat tumbasan ng pananagutan sang-ayon sa batas,” bigay-diin ng Humane Philippines.
Nanawagan din ang grupo sa publiko na magsama-sama sa pagtataguyod ng malasakit at katarungan para sa mga hayop. RNT