Home HOME BANNER STORY Voters registration sa BSKE 2026, itutuloy sa Okt. 21

Voters registration sa BSKE 2026, itutuloy sa Okt. 21

372
0

MANILA, Philippines – Itutuloy na sa Oktubre 21 ang voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Nobyembre 2, 2026.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, tatagal ng pitong buwan ang pagpaparehistro hanggang Mayo 2026, at bukas ito sa buong bansa para sa lahat ng uri ng registration.

Humigit-kumulang 1.4 milyong bagong botante ang target ng Comelec na makapagpatala para sa BSKE.

Ayon pa kay Garcia, nagpapatupad ng online registration ang Comelec upang maiwasan ang mga insidenteng tulad ng pagkahimatay o pagkabilad sa araw dahil dagsa ang mga magpaparehistro tulad nang nangyari noong huling araw ng 10 day registration noong Agosto.

Pero nilinaw ng Comelec na hindi saklaw ng online registration ang mga first-time voters, dahil kinakailangan pa rin nilang personal na magtungo sa tanggapan ng Comelec o sa mga mall registration sites sa ilalim ng “Register Anytime, Anywhere” program.

Nilinaw din ni Garcia na hindi kasama sa nasabing registration ang para sa BARMM Parliamentary Elections, dahil itutuloy ito pagkatapos ng halalan sa Bangsamoro para maiwasan ang kalituhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here