Home NATIONWIDE Villar maaaring pinuprotektahan ng mag-asawang Discaya – Ombudsman Remulla

Villar maaaring pinuprotektahan ng mag-asawang Discaya – Ombudsman Remulla

258
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi na siya nasurpresa na tumangging makipagtulungan ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya sa imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI).

Ito ay matapos na naunang sabihin ni ICI Commissioner Rogelio Singson na walang sinuman sa mga indibidwal na kasalukuyang kinakaharap ng komisyon ang kuwalipikadong maging state witness.

Sinabi ni Remulla na ang mga Discaya ay nagbibigay lamang ng ilang impormasyon dahil maaari nilang protektahan ang ilang indibidwal na sangkot sa kaso.

Ang tinutukoy ng Ombudsman ay ang joint ventures na pinasok ng kumpanya  ng Discayas, St. Gerrard Construction, at CLTG Builders, isang contractor na pinamamahalaan ng ama at kapatid ni Senator Bong Go.

Ang mga joint venture na ito ay naganap simula noong 2017, noong panahon na si Go na nagsisilbi bilang Special Assistant ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang nasabing isyu ay binanggit sa evaluation ng state witness sa Discaya at case buildup na isinagawa ng Department of Justice , ayon sa ulat.

Nakiipag-ugnayan na ang Office of the Ombudsman sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa imbestigasyon sa usapin.

Bukod kay Go, naniniwala si Remulla na pinoprotektahan din ng mga Discaya si Senator Mark Villar at Cynthia Villar.

Si Mark Villar ay nagsilbing DPWH Secretary noong panahon ng administrasyong Duterte mula 2016 hanggang 2021. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here