Home SPORTS Flying Titans taob sa High Speed Hitters

Flying Titans taob sa High Speed Hitters

293
0

PATULOY ang pambihirang porma ng PLDT High Speed Hitters matapos talunin ang Choco Mucho Flying Titans sa straight sets, 25-21, 25-20, 25-19, sa PVL Reinforced Conference 2025 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Sa panalong ito, umabot na sa 15 sunod na panalo ang PLDT — ang ikatlong pinakamahabang winning streak sa kasaysayan ng liga mula pa noong PVL on Tour.

Ngunit ang ikinagulat ng marami kung kailan nakumpleto ng Choco Mucho ang kanilang lineup sa tulong ng import na si Marlee Smith, doon pa sila unang natalo. Nagtala si Smith ng 20 puntos sa kanyang debut, ngunit hindi ito sapat upang maisalba ang koponan.

Ayon kay Coach Rald Ricafort, malaking bagay ang balanse ng local players at ang katatagan ng depensa ng kanyang koponan sa tagumpay na ito.

Bida rin sa panalo si Anastasiia Bavykina na may 13 puntos, habang tumulong si Kianna Dy sa opensa at floor defense upang makumpleto ang malinis na panalo.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here