Home HOME BANNER STORY Habeas corpus petition ni Curlee Discaya ibinasura ng Pasay court

Habeas corpus petition ni Curlee Discaya ibinasura ng Pasay court

239
0

MANILA, Philippines – Mananatiling nasa kustodiya ng Senado ang kontratista na si Pacifico “Curlee” Discaya II matapos na tanggihan ng Pasay court ang petition for habeas corpus na inihain ng kampo nito.

Sa desisyon ng Pasay City Regional Trial Court Branch 498, walang sapat na ebidensyang magpapatunay sa argumento ni Discaya ng grave abuse of discretion sa kanya para ilagay siya sa kustodiya ng Senado.

Kinumpirma naman ng abogado ni Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III ang desisyon.

Kumukuha pa ng kopya ng desisyon ang kampo ni Discaya.

Matatandaan na si Discaya ay na-cite in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagsisinungaling sa pagliban ng kanyang asawa na si Sarah sa pagdinig ng Senado sa maanomalyang flood control projects noong Setyembre 18.

Nanindigan ang Senado sa desisyon na pag-contempt kay Discaya at sinabing ang kautusan ay inilabas sa loob ng constitutional authority ng Mataas na Kapulungan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here