MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang Philippine Trench ang sanhi ng magnitude 6.0 na lindol sa General Luna, Surigao del Norte nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 17.
Ayon sa PHIVOLCS, ang Philippine Trench ay isang oceanic trench, o “long, narrow depressions on the ocean floor.”
Ito rin ang mga malalalim na bahagi ng karagatan.
Ang trench ay nabubuo resulta ng tectonic movements katulad ng lindol o volcanic eruption.
Matatagpuan ang Philippine Trench sa silangang bahagi ng Pilipinas mula Bicol sa Luzon hanggang sa Mindanao.
Nauna nang sinabi ni PHIVOLCS chief Dr. Teresito Bacolcol na ang mga trench ay kayang makalikha ng mas malakas pa sa magnitude 8 na lindol.
“Trenches generally are capable of generating great earthquakes. When we say great earthquakes, these are earthquakes greater than [magnitude] 8,” ani Bacolcol.
Philippine Trench din ang nagdulot ng magnitude 7.4 at 6.8 lindol sa Manay, Davao Oriental noong Oktubre 10. RNT/JGC