Home HOME BANNER STORY Adjusted mall hours sa Metro Manila ipatutupad simula Nobyembre 17

Adjusted mall hours sa Metro Manila ipatutupad simula Nobyembre 17

321
0

MANILA, Philippines – Magbabago ng operating hours ang mga mall sa National Capital Region (NCR) simula Nobyembre 17 para sa inaasahang mas mabigat na daloy ng trapiko habang papalapit ang Christmas season, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority nitong Biyernes, Oktubre 17.

Ang mall hours simula sa nasabing petsa ay mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.

Sa press conference matapos ang pagpupulong kasama ang lahat ng mall operators, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na ang adjusted mall hours tuwing weekdays, maliban kung holiday, hanggang Disyembre 25.

“Ang napagkasunduan po namin ay yun pong mall hours ay magsisimula ng 11 a.m. to 11 p.m. effective November 17 hanggang December 25,” ani Artes.

“Effective po ito Monday hanggang Friday, exemptions po dito ang weekends and holidays,” dagdag pa niya.

Bukod dito, ang mga mall delivery ay papayagan lamang mula alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Limitado rin tuwing weekends ang mall-wide sales. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here