Home NATIONWIDE Aftershock sa lindol sa Surigao del Norte umabot na sa 113 –...

Aftershock sa lindol sa Surigao del Norte umabot na sa 113 – PHIVOLCS

346
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 113 ang bilang ng mga aftershock na naitala kasunod ng magnitude 6.0 na lindol sa General Luna, Surigao del Norte nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa 8 a.m. update, sinabi ng PHIVOLCS na wala sa mga ito ang naramdaman dahil ang lakas ng mga aftershock ay mula magnitude 1.2 hanggang 4.4.

Nauna nang sinabi ni PHIVOLCS chief Dr. Teresito Bacolcol na ang mga apektadong residente ay maaaring kumonsulta muna sa mga eksperto bago bumalik sa kani-kanilang tahanan para sa kaligtasan.

“If there are visible damages sa mga istruktura kung saan sila nakatira, huwag muna silang pumasok,” ani Bacolcol.

“They have to consult their municipal or city engineers kasi kung hindi man ito totally na-damage during the main shock, baka ma-damage ito totally during a strong aftershock,” dagdag pa niya.

Kasunod nito ay sinuspinde ang pasok sa mga paaralan at opisina ng pamahalaan sa ilang lugar dahil sa lindol.

Naglatag din ang lokal na pamahalaan ng General Luna ng tatlong evacuation centers para sa mga apektadong residente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here