Manila, Philippines – Lalong pinalaki at pinaigting ang 9th Year ng World Travel Expo na nagbabalik sa Makati at sa Manila Bay. Inaasahan na dadaluhan ito ng mga mahilig mag-travel at mga kababayan nating kinaugalian nang mag-explore ng iba’t-ibang lugar at kultura sa buong mundo.
Inorganisa ng AD Asia Events Group OPC, kabilang sa World Trade Expo Year 9 ang mga nangungunang airlines, hotel groups, regional tourism offices, at lifestyle brands.
Ngayon pa lang ay inaasahan na marami ang dadalo sa parehong venue.
Aasahan na ang eksklusibong travel promos, networking opportunities, cultural showcases, at community activities ng mga taong dadalo at pupunta sa naturang travel expo.
Siguradong may mga celebrities rin na pupunta para maka benefit din sa travel na ito.
Excited na ang buong team sa pagbabalik ng World Travel Expo.
Nagsimula na ang 9th Year World Travel Expo ngayong October 17 hanggang October 19, 2025, sa SPACE, One Ayala, Makati City, at sa November 14–16, 2025 sa Manila Bay. Rodel Fernando