Home ENTERTAINMENT Michael, idinaan sa biro ang death hoax!

Michael, idinaan sa biro ang death hoax!

294
0

Manila, Philippines – Sa halip na magpuyos sa galit, idinaan lang sa biro ni Michael de Mesa ang kumalat na fake news na sumakabilang-buhay siya.

May art card kasing lumabas sa social media na nakasaad na “Rest in peace.”

It came out last September 30.

Dakong 4:50 pm nang inatake daw siya ng sakit sa puso na dahilan ng kanyang pagkamatay.

The 65-year-old actor responded with a joke.

Anang post ng award-winning actor: “Posting this from heaven. Grabe na fake news. Please help me report this.”

Kalakip ito ng larawan kung saan kasama niya ang asawang si Julie Eigenmann at mga kaibigang Jett at Beth Pangan.

Ang mga magulang ni Michael na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil ay malakas at buhay pa.

Among their children, si Michael na lang ang natitirang buhay as Mark Gil and Cherie Gil had already passed on.

Sa ngayon, aktibo pa rin si Michael bilang regular cast member ng Batang Quiapo.

He’s far from slipping into retirement. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here