Home ENTERTAINMENT Kyline at Alexa, nagdedmahan!

Kyline at Alexa, nagdedmahan!

279
0

Manila, Philippines – May mainit-init kaming tsika na nasagap na nagkita raw sa isang event sina Kyline Alcantara at Alexa Miro.

Ayon pa sa tweet ng aking source, akala raw niya ay magkakaroon ng tensyon sa dalawa pero hindi raw ito nangyari.

Ang siste, nag-isnaban daw ang dalawa.

Public knowledge naman na naging dyowa ni Alexa ang presidential son na si Sandro Marcos.

Katunayan, kamakailan lang ay inamin niya sa isang panayam na naging kasintahan niya ang kongresista for five years.

Sa nasabing panayam, hindi rin niya ikinaila na mahal pa niya si Sandro at ayaw niyang tuldukan ang posibilidad na magkakabalikan sila.

Napag-usapan naman ang kontrobersyal ‘heartbreak video’ niya sa TikTok kung saan itinuro niyang ang sexy actress na si Franki Russell na dahilan umano ng breakup nila ng ex.

But with the rate things are going, may mga kaibigan si Franki na nagsabing wala raw itong katotohanan.

Then, pumasok naman sa eksena si Kyline na rumored to be playing sweet music with Sandro.

Actually, matagal nang magkaibigan sina Sandro at Kyline pero lately lang lumabas ang balita tungkol sa kanila dahil sa pagkumpirma ni Alexa na break na sila ng pulitiko.

Malakas din ang bulung-bulungan na nasa dating stage na sina Kyline at Sandro.

Bukod sa followers din sila ng kanilang respective Instagram accounts, marami ang nagsususpetsa na more than romance na ang namamagitan sa kanila.

Sa pag-entra ni Kyline sa buhay pag-ibig ni Sandro, lumabo raw ang tsansa na magkabalikan sina Alexa at ang presidential son.

Ito kaya ang dahilan kaya nag-isnaban sila sa isang event?

May mga dapat pa ba tayong abangan sa present at sa ex?

Well… Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here