Home METRO Kuryente sa ilang lugar sa Iloilo, maantala ng 12 oras sa Oktubre...

Kuryente sa ilang lugar sa Iloilo, maantala ng 12 oras sa Oktubre 19

350
0

ILOILO CITY, Philippines – Makakaranas ng 12 oras na power interruption ang mga consumer sa loob ng franchise area ng More Electric and Power Corp. (MORE Power) sa Linggo dahil sa maintenance work ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa isang advisory nitong Biyernes, sinabi ng MORE power na maaapektuhan ng outage ang mga consumer na sineserbisyuhan ng mga substation nito sa Molo, Diversion at Arevalo, gayundin sa provincial capitol.

Ang interruption ay mula 6 a.m. hanggang 6 p.m. maaapektuhan ang Flores Gloria, Roxas Village at San Jose; bahagi ng Arsenal-Aduana, Danao, Delgado-Jalandoni-Bagumbayan, Ed Ganzon, Hipodromo, Inday, Jalandoni-Wilson, Kahirupan, Kauswagan, Liberation, Magsaysay, Nonoy, Rizal Estanzuela, Rizal Pala Pala I, Sampaguita, San Agustin at Yulo-Arroyo.

Anim na oras na pagkaantala, mula 6 a.m. hanggang 11 a.m. at 5 p.m. hanggang 6 p.m., ay makakaapekto sa mga komunidad sa ilalim ng Molo Feeder 3.

Ang mga Barangay OsmeƱa, Rima Rizal, Rizal Ibarra at Rizal Pala Pala II, at bahagi ng Inday, Kauswagan, Magsaysay, Maria Clara, Nonoy, Rizal Pala Pala I, San Felix, Taal at Villa Anita sa City Proper at Nabitasan sa La Paz, ay makakaranas ng tatlong oras na pagkawala ng kuryente mula 6 a.m. hanggang 7:30 a.m. at 4:30 p. hanggang 6 p.m.

Magsasagawa rin ang MORE Power ng ride-on activity mula 6 a.m. hanggang 2 p.m. sa Barangay Libertad, Progreso at Sinikway, at mga bahagi ng Alalasan, Don Esteban, Jalandoni Estate, Lapuz Norte, Lapuz Sur, Loboc at Punong sa distrito ng Lapuz; Danao at Ed Ganzon sa City Proper; at Lopez Jaena Sur sa La Paz. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here