Home METRO QCPD nagsampa ng kaso sa Tomas Morato falling debris incident

QCPD nagsampa ng kaso sa Tomas Morato falling debris incident

339
0

MANILA, Philippines – Nagsampa ng mga kasong kriminal ang Quezon City Police District (QCPD) nitong Biyernes laban sa ilang opisyal at empleyado ng ilang condominium firms at telecom companies kaugnay ng fatal falling debris incident sa Tomas Morato Avenue, Quezon City noong Agosto.

Sa isang pahayag, sinabi ng QCPD na ang mga kasong reckless imprudence resulting in two counts of serious physical injuries ay isinampa sa QC Prosecutor’s Office noong Huwebes.

Kasama sa mga respondent ang mga opisyal at empleyado ng mga sumusunod na kumpanya:

-JCRV Properties Inc./JCRV Land and Holdings Inc.
-Atherton Condominium Corporation
-Smart Communications Inc.
-Edgepoint Towers Inc.

Ang QCPD ay bumuo ng isang Special Investigation Team na malapit na nakipagtulungan sa mga teknikal na eksperto at mga kinauukulang ahensya upang mangalap ng ebidensya, masuri ang kondisyon ng gusali, at tukuyin ang mga responsable sa insidente.

Ang mga sinumpaang pahayag ay nakolekta mula sa mga saksi at kinatawan ng mga sangkot na entity, ayon sa pulisya. Nakipag-ugnayan din ang mga imbestigador sa pamilya ng mga biktima.

Pinapurihan ni QCPD acting director Police Colonel Randy Glenn Silvio ang mga imbestigador sa kanilang dedikasyon habang nagpahayag siya ng pakikiramay sa mga biktima at kanilang mga pamilya.

“We owe it to the victims and their loved ones to ensure that justice is served. This filing reflects our firm commitment to hold accountable those whose negligence endangers others,” saad ni Silvio.

Matatandaang noong Agosto 12, naglalakad ang tatlong estudyante ng Don Roces Science High School sa harap ng isang condominium nang malaglagan ang mga ito ng debri mula sa gusali.

Dalawa sa mga biktima, na natagpuang nakahandusay sa semento, ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo. Samantala, nagtamo naman ng sugat sa braso ang isa pang biktima.

Agad namang isinugod sa Capitol Medical Center ang mga biktima para magamot.

Noong Agosto 27, iniulat na isa sa mga sugatang estudyante ang pumanaw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here