Home NATIONWIDE Polo Martinez bagong DOJ spox

Polo Martinez bagong DOJ spox

441
0

MANILA, Philippines – Pinangalanan ng Department of Justice (DOJ) ang abogadong si Polo Martinez bilang bagong tagapagsalita nito.

Pinalitan ni Martinez si dating DOJ Asec. Mico Clavano na ngayon ay nagsisilbing Assistant Ombudsman at tagapagsalita ng Office of the Ombudsman.

Bago hinirang na tagapagsalita, sumali si Martinez sa DOJ bilang prosecution attorney sa Office of the Prosecutor at Office of the Secretary of Justice nitong 2025.

Isa rin siyang associate ng pribadong law firm na si Platon Martinez Flores San Pedro Leaño Law Offices mula 2022 hanggang 2024.

Nakuha niya ang kanyang degree sa abogasya mula sa Ateneo de Manila School of Law, at nagkaroon ng kanyang bachelor’s degree sa AB Political Science mula sa Ateneo de Manila University.

Habang ang DOJ ay kasalukuyang walang opisyal na kalihim, si Fredderick Vida ay kasalukuyang nagsisilbi bilang officer-in-charge ng Kagawaran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here