Home NATIONWIDE Cadet program sa pagkuha ng magagaling na engineer balak buhayin ng DPWH

Cadet program sa pagkuha ng magagaling na engineer balak buhayin ng DPWH

390
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Public Works Secretary Vince Dizon nitong Sabado, Oktubre 18 ang planong pagbuhay sa cadet engineering program ng Department of Public Works and Highways sa pagkuha at paghubog ng magagaling na civil engineer sa bansa.

Ang anunsyong ito ni Dizon ay kasunod ng pakikipagpulong niya kay dating DPWH secretaries Rogelio “Babes” Singson at Ping de Jesus.

Ani Dizon, ang pagbuhay sa programa ay isang paraan “to boost the morale” ng mga nagtatrabaho nang maayos sa ahensya.

“Kahit na wala kang padrino, kakilalang opisyal, governor, congressman, mayor, secretary, kung magaling ka, puwede kang umangat. Kailangan malaman yun ng mga kasamahan natin,” anang opisyal.

Sinabi naman ni Singson na ang mga engineer ay sasailalim sa promotional examinations para sa mas mataas na engineering positions sa ahensya sa buong bansa at naglalayo sa “padrino” o patronage system.

“Those who feel they qualify [may] apply and then go to a promotional test,” ayon kay Singson.

Matatandaan na nahinto ang cadet program sa mga nakalipas na taon dahil pinayagan ng kagawaran ang mga “outsider” na makakuha ng slot sa posisyon.

Ang Cadet Engineering Program ay nagsimula noong 2013 sa pamumuno ni Singson sa DPWH.

Nagtakda ito ng bagong entry standards sa propesyon.

Sa website ng DPWH, kabilang sa programa ang classroom studies, field immersions, at leadership and public service workshops.

Iginiit ni Dizon ang kahalagahan ng Young Engineers Recruitment Program, kung saan kumukuha ang pamahalaan ng mga batang engineer at nag-aalok ng mataas na sahod.

“That was one of the best features, it is the younger ones who inspect the quality of the projects before it is turned over to DPWH for payment,” ani de Jesus, isa rin sa mga kalihim ng DPWH nang ipatupad ang programa.

“If they find out it is substandard, then the contractor who did it was compelled to fix it at his own expense,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here