MANILA, Philippines – Apat na indibidwal kabilang ang 63-anyos na lolo ang inaresto matapos nahulihan ng droga nang maaktuhang nagsusugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Sa ulat, habang nagsasagawa ng validation ang mga tauhan ni Polo Police Sub-Station 5 Commander P/Capt. Doddie Aguirre laban sa isang wanted person sa Salvador St., Brgy., Palasan nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ dakong alas-11:50 ng gabi.
Inaresto ang dalawa at nakumpiska sa kanila ang bet money at tatlong piso na coins ‘pangara’ habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas “Chris’, 28.
Nauna rito, huli rin sa akto ng iba pang tauhan ni Capt. Aguirre ang dalawang lalaki habang naglalaro ng sugal na ‘cara y cruz’ sa loob ng Polo Public Market, Brgy., Polo alas-11-15 ng gabi.
Nasamsam sa dalawa ang bet money at tatlong peso coins ‘pangara’ habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu ay nakuha kay alyas “Lolo Rey”, ng Brgy., Coloong II. Merly Duero