Home NATIONWIDE Preemptive evacuation, ipinatupad sa Quezon sa Tropical Storm Ramil- OCD

Preemptive evacuation, ipinatupad sa Quezon sa Tropical Storm Ramil- OCD

296
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG 2,467 indibiduwal o 804 pamilya ang pauna nang inilikas sa Quezon sa gitna ng inaasahang pagtama ng Tropical Storm Ramil (international name: Fengshen) sa bisinidad ng lalawigan.

Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Region 4-A spokesperson Reyan Derrick Marquez, ang mga indibiduwal na ito ay kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers.

Sinabi naman ni Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office chief Melchor Avenilla Jr., nagsagawa ng preemptive evacuation sa ilang bayan sa Polillo Island.

“Kagabi, dire-diretso sila sa pagsasagawa ng evacuation,” ayon kay Avenilla.

May kabuuang 22,311 indibiduwal o 7,884 pamilya mula sa Calabarzon at Region 5 ang ‘pre-emptively evacuated’ dahil sa inaasahang epekto ng Ramil, ang sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“Meanwhile, the local government units and the Philippine Coast Guard have prohibited all sea activities in the coasts of Quezon,” ang tinuran ni Avenilla.

“So pagtawid ng dagat, even surfing activities ay hindi po ‘yan pinapayagan sa aming lalawigan as of this morning,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, dahil sa malakas na hangin, isinagawa ang preventive power interruption sa Alabat, Quezon, na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 base sa ‘8 a.m. weather bulletin’ ng PAGASA.

“In Cavite, moderate rains were observed while light rains were monitored in Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon,” ayon naman kay Marquez.

Idinagdag pa niya na wala namang masama o kaugnay na insidente ang naiulat sa region dahil sa Tropical Storm Ramil.

Hinikayat naman ni Marquez ang publiko na maging bigilante at pakinggan ang mga kautusan at babala ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at local government units.

“Monitor natin ‘yung mga weather update, warning at advisories coming from our agencies tulad ng ating NDRRMC, at the same mga local councils,” ang sinabi ni Marquez.

“To areas susceptible to landslides, mag-evacuate tayo. Alamin ang evacuation plan ng community at i-check ang integrity ng ating mga bahay,” dagdag na pahayag nito.

Pinaalalahanan din ni Marquez ang publiko na ihanda ang kanilang go bags o survival kits at ilagay ang kanilang mga alagang hayop sa mas ligtas na lugar.

At upang mapigilan ang sunog at electrocution sa gitna ng bagyo, hinikayat ni Marquez ang publiko na i-turn off ang electrical switch malapit sa pinagmumulan ng tubig at lumayo mula sa bintana sa gitna ng malakas na bugso ng hangin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here