Home NATIONWIDE Kaso ng influenza-like illnesses bumaba ngayong Oktubre — DOH

Kaso ng influenza-like illnesses bumaba ngayong Oktubre — DOH

280
0

MANILA, Philippines — Mas mababa ang bilang ng mga kaso ng influenza-like illnesses (ILI) sa unang dalawang linggo ng Oktubre kumpara sa mga naunang linggo, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Health Promotion Bureau Director Tina Marasigan na mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11, 2025, nakapagtala ang DOH ng 6,457 kaso ng ILI sa buong bansa.

“Mas mababa ito ng 39 porsyento kumpara sa 10,740 kaso na naitala mula Setyembre 14 hanggang Setyembre 27,” ani Marasigan.

Dagdag pa niya, mas mababa rin ito ng 25 porsyento kaysa sa 8,628 kaso sa kaparehong panahon noong 2024, bagaman maaari pa raw magbago ang bilang dahil sa patuloy na surveillance.

Sa isang press briefing, nilinaw ni Health Secretary Teodoro Herbosa na walang planong lockdown at walang flu outbreak sa bansa.

“Walang planong lockdown; fake news ‘yan. Ang meron tayo ay mga karaniwang seasonal respiratory illnesses. Wala tayong flu outbreak,” ani Herbosa.

Ipinaliwanag din ng kalihim na karaniwang mabilis kumalat ang mga sakit gaya ng ubo at trangkaso sa panahon ng tag-ulan, at inirekomenda ang pagsusuot ng face mask o pananatili sa bahay para sa mga may sintomas.

Kaugnay nito, inanunsyo ng Department of Education–NCR ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa Metro Manila mula Oktubre 13 hanggang 14 upang bigyang-daan ang disinfection, sanitation, at building inspection matapos tumaas ang kaso ng ILI at makaranas ng mga lindol sa bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here