Home NATIONWIDE Bagyong Ramil nasa Manila Bay na

Bagyong Ramil nasa Manila Bay na

323
0

MANILA, Philippines — Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa mas maraming bahagi ng Luzon ngayong Linggo ng umaga, matapos tumawid ang Bagyong Ramil (Fengshen) sa Manila Bay.

Batay sa 11 a.m. weather bulletin ng PAGASA, kabilang sa mga lugar sa ilalim ng Signal No. 2 ang bahagi ng Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, hilagang Bataan, hilagang Metro Manila, Rizal, hilagang Laguna, at hilagang Quezon, kabilang ang Polillo Islands.

Samantala, nasa Signal No. 1 naman ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Abra, Kalinga, Apayao, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cavite, Batangas, Mindoro, Marinduque, Romblon, at mga lalawigan sa Bicol Region, kabilang ang Catanduanes at hilagang bahagi ng Albay.

Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong Ramil bandang 10 a.m. sa Manila Bay, taglay ang lak-as ng hangin na 65 km/h malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 90 km/h, habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Nagbabala ang weather bureau na magdudulot ng malalakas hanggang sa malalakas na bugso ng hangin ang trough at outer rainbands ng bagyo sa Oriental Mindoro, Caluya Islands, Bicol Region, at Eastern Visayas, kahit hindi sakop ng signal warning.

Posible ring magkaroon ng storm surge na may taas na 1.0 hanggang 2.0 metro sa mabababang baybaying bahagi ng Aurora, Quezon, Camarines Sur, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Batangas, Cavite, Marinduque, at Occidental Mindoro.

“It must be emphasized that heavy rainfall, severe winds, and storm surge may still be experienced in localities outside the landfall point and the forecast confidence cone,” babala ng PAGASA.

Inaasahang tatawid si Ramil sa Central Luzon landmass bago lumabas sa mga baybaying dagat ng Zambales o Pangasinan ngayong hapon, at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng umaga.

“During its passage over the landmass, Ramil is expected to maintain its strength or slightly weaken due to frictional effects of mountainous terrain,” ayon sa PAGASA, ngunit inaasahang muling lalakas at magiging severe tropical storm pagdating sa West Philippine Sea. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here