Home NATIONWIDE Konstruksyon ng Piggatan Detour Bridge sa Cagayan 34% nang kumpleto

Konstruksyon ng Piggatan Detour Bridge sa Cagayan 34% nang kumpleto

271
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 34 porsyento ang progreso ng konstruksyon ng Piggatan Detour Bridge sa bayan ng Alcala, Cagayan, sa ika-10 araw ng trabaho noong Sabado, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang emergency construction ng detour bridge ay bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agarang makapagtayo ng alternatibong ruta para sa kaginhawaan ng publiko, lalo na sa mga lugar na apektado ng pagkasira ng orihinal na Piggatan Bridge.

Target matapos ng DPWH ang konstruksyon ng tulay sa loob lamang ng 60 araw, upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa buong lalawigan.

Kabilang sa mga aktibidad sa site ang pagbaon ng bakal, pagwelding, at paglalagay ng mga materyales sa approach ng tulay bilang bahagi ng mga pangunahing gawain.

Inaasahang mas mapapabilis pa ang konstruksyon sa mga susunod na araw habang patuloy na binabantayan at tinututukan ng kalihim ang regular na progreso ng proyekto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here