MANILA, Philippines – Ipinakilala na ng iMe Philippines at Myriad Entertainment ang official artist line-up sa kaabang-abang na Wonderful Moments Music Festival!
Ang naturang event ay gaganapin sa December 6 at 7 sa SMDC Festival Grounds.
Sa anunsyo sa kanilang official social media accounts, tampok sa pinakamalaking music festival ng taon ang mga OPM artists and P-pop groups na sina Denise Julia, ALAMAT, Amiel Sol, Earl Agustin, Adie, Over October at Arthur Nery.
Bibida rin dito ang PBB Artist, si Dionela, bandang Kamikazee, Cup of Joe, Parokya ni Edgar, at si Gloc-9.







