Home OPINION GAMOT PROGRAM NG PHILHEALTH, GINHAWA PARA SA PAMILYANG FILIPINO

GAMOT PROGRAM NG PHILHEALTH, GINHAWA PARA SA PAMILYANG FILIPINO

325
0

BILANG isang media practitioner at health advocate, lubha akong natutuwa sa balita na ang Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ay patuloy na nagpapalawak ng kanilang libreng gamot sa ilalim ng “Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment” o GAMOT program.

Simula noong inilunsad ito noong Agosto 14, 2025, ang programang ito ay nagsilbing liwanag para sa maraming Fi­lipino na kadalasang nahihira­pan sa gastusin sa gamot.

Mu­la sa 21 na gamot, nga­yon ay 75 na ang nasasakupan, na may taunang limit na Php 20,000. Isang malaking hakbang ito upang mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilyang Filipino.

Ang GAMOT program ay sumasaklaw sa mga pangka­ra­niwang karamdaman, mula sa impeksyon, hika, chronic obs­tructive pulmonary disea­se (COPD), diabetes, altapres­yon, mataas na kolesterol, at sakit sa puso, hanggang sa mga karamdaman sa nerbi­yos at iba pang supportive the­ra­pies.

Ngunit ang tunay na kapana-panabik na balita ay ang patuloy na plano ng PHILHEALTH na palawakin pa ito. Ayon kay President at Chief Executive Officer Dr. Edwin Mer­cado, nakabinbin ang pagsusuri ng Health Technology Assessment Council (HTAC) upang maidagdag ang higit pang gamot mula sa mahigit 300 gamot sa essential drug list ng Department of Health.

Ipinapakita nito ang panga­ko ng PHILHEALTH na sa kalau­nan ay masaklaw ang buong essential drug list, at sa huli, ma­kikinabang ang bawat miyembro nang walang iniindang gastusin.

Isa pang mahalagang aspekto ng programang ito ay ang accessibility. Sa kasaluku­yan, may 304 accredited pharmacies na handang ipatupad ang GAMOT program, kabilang ang 56 sa Metro Manila. Hindi rin komplikado ang proseso para makakuha ng gamot. Kai­langan lamang ng miyembro na nakarehistro sa Yaman ng Kalusugan Program (Yakap) ng PHILHEALTH, magkaroon ng reseta mula sa PHILHEALTH-certified physician, at magprisinta ng valid government ID. Sa ga­nitong paraan, ang bawat be­nepisyaryo ay tiyak na maa­asahan ang agarang gamutan nang hindi iniisip ang dagdag na gastos.

Bilang isang “Agarang Ser­bisyo Lady” sa kalusugan, na­niniwala ako na ang GAMOT program ay hindi lamang patunay ng epektibong administrasyon ng PHILHEALTH, kundi isang konkretong hakbang tu­ngo sa mas inklusibong serbisyong pangkalusugan. Sa pa­­nahon kung saan parami nang parami ang nangangai­langan ng gamot ngunit limi­tado ang kanilang kakayahan, ang programang ito ay nagbibigay-raan upang ang bawat Filipino ay makaramdam ng se­guridad at katiyakan na ang kalusugan ay hindi luho kundi isang karapatan.

Ang susi sa tagumpay ng GAMOT program ay ang tuloy-tuloy na suporta at tamang pagpapatupad sa mga piling klinika at botika.
Hindi rin maikakaila ang pa­ngangailangan ng edukas­yon sa publiko upang mas ma­rami ang makagamit ng benepisyo. Sa aking pananaw, ang patuloy na pagpapalawak ng listahan ng gamot at pagtaas ng accessibility ay magdudulot ng positibong epekto hindi lamang sa kalusugan ng bawat Filipino kundi pati sa kabuuang sistema ng ating serbisyong pangkalusugan.

Sa huli, ang GAMOT prog­ram ay isang malinaw na ha­limbawa kung paano dapat mangyari ang serbisyong pang­kalusugan, dapat itong agaran, accessible, at tunay na para sa lahat.

Dito, hindi lamang gamot ang ibinibigay, kundi pag-asa, katiyakan, at kapayapaan ng isip para sa bawat pamilyang Filipino, malaking kaginhawaan sa mga limitado ang badyet na nakalaan para sa kanilang kalusugan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here