Home ENTERTAINMENT Bigating artist line-up sa Wonderful Moments Music Festival, ipinakilala na!

Bigating artist line-up sa Wonderful Moments Music Festival, ipinakilala na!

601
0

MANILA, Philippines – Ipinakilala na ng iMe Philippines at Myriad Entertainment ang official artist line-up sa kaabang-abang na Wonderful Moments Music Festival!

Ang naturang event ay gaganapin sa December 6 at 7 sa SMDC Festival Grounds.

Sa anunsyo sa kanilang official social media accounts, tampok sa pinakamalaking music festival ng taon ang mga OPM artists and P-pop groups na sina Denise Julia, ALAMAT, Amiel Sol, Earl Agustin, Adie, Over October at Arthur Nery.

Bibida rin dito ang PBB Artist, si Dionela, bandang Kamikazee, Cup of Joe, Parokya ni Edgar, at si Gloc-9.

Kaabang-abang din ang pagtatanghal ng iba pang malalaking pangalan sa mundo ng OPM na sina Bamboo, Sarah G, Ely Buendia, at ang Nation’s Girl Group na BINI!

Matatandaan na ipinakilala sa publiko sa pamamagitan ng press conference ang official title and logo ng Wonderful Moments Music Festival sa pangunguna nina Alden Richards ng Myriad Entertainment and Ms. Barbs ng iME Philippines. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here