MANILA, Philippines – Naglunsad ng Department of Health (DOH) ang Bantay Super Health Center, isang citizen-led monitoring program na nag-aanyaya sa publiko na i-report ang mga hindi gumagana o kulang sa serbisyo na health facilities.
Layunin ng programa na itaguyod ang transparency at matiyak na ang mga Super Health Centers na pinondohan ng gobyerno ay maayos at naa-access ng komunidad.
Maaaring magsumite ang publiko ng ulat sa pamamagitan ng Citizen Participatory Audit sa pamamagitan ng pag-download ng form sa www.doh.gov.ph/bantaysuperhealth,.
Dito pwedeng ilahad ang detalye ng pasilidad, at mag-attach ng bagong kuhang larawan na nagpapakita ng kondisyon nito.
Dapat may kasamang dyaryo ang larawan bilang patunay ng petsa.
Maaaring ipadala ang ulat sa [email protected], at tiniyak ng DOH na mananatiling kumpidensyal ang identidad ng mga nag-uulat.
Rerepasuhin ng DOH ang lahat ng ulat at makikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang aksyunan ang mga isyu.
Ang mga Super Health Centers ay nag-aalok ng pangunahing serbisyong pangkalusugan tulad ng outpatient, panganganak, diagnostic, at emergency services, ngunit ilang pasilidad ang naiulat na hindi nagagamit nang maayos. RNT