Home METRO P2-M ‘tobats’ nasabat sa Pasay buy-bust ops

P2-M ‘tobats’ nasabat sa Pasay buy-bust ops

225
0

PASAY CITY, Philippines – Inaresto ng Southern Police District (SPD) ang apat na indibidwal, na tinaguriang high-value individuals (HVIs) na wanted sa ilegal na droga, sa isang anti-narcotics operation sa Pasay City.

Naaresto ang mga suspek na  sina Al, 46, John Michael, 20, Alex, 48, at Arvie, 33 sa Barangay 156, Pasay City.

Sinabi ng pulisya na ang joint operation ay pinangunahan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), kasama ang District Intelligence Division (DID-SPD) at Pasay City Police Substation 6.

Nakumpiska ng mga operatiba ang 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000 mula sa mga suspek, gayundin ang iba pang drug paraphernalia.

Ang mga nakumpiskang piraso ng ebidensya ay itinurn-over sa Southern Police District Forensic Unit para sa chemical analysis.

Samantala, ang apat ay nahaharap sa kasong paglabag sa anti-illegal drugs RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here