Home HOME BANNER STORY Liza Marcos, Maynard Ngu nais paimbestigahan sa ICI

Liza Marcos, Maynard Ngu nais paimbestigahan sa ICI

305
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng isang tagapagtaguyod ng kultura at kapayapaan ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Martes na imbestigahan ang umano’y koneksyon sa pagitan ng unang ginang na si Liza Araneta-Marcos at Maynard Ngu, ang tech billionaire sa likod ng Cherry Mobile, na iniugnay ng ilang sektor sa lumalawak na kontrobersiya sa flood control.

Nagtungo si John Santander sa gusali ng ICI upang isumite ang kanyang liham ng sentimyento para kay ICI chair Andres Reyes.

Sinabi niya na natanggap ni ICI Executive Director Brian Keith Hosaka ang kanyang liham na humihiling sa komisyon na imbestigahan ang umano’y relasyon nina Marcos at Ngu.

Sa panayam ng mga mamamahayag matapos isumite ang liham, ipinakita ni Santander ang dalawang larawan na nagpapakitang magkasama sina Marcos at Ngu.

“We are not pro-Marcos. We are not DDS (Die-hard Duterte Supporters), and we are not Kakampink. This is our own perspective as a part or as individuals living in our country,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here