Home METRO Kaso sa missing sabungeros “submitted for resolution” na – DOJ

Kaso sa missing sabungeros “submitted for resolution” na – DOJ

293
0

MANILA, Philippines – Submitted for resolution na ang kasong murder, serious illegal detention at iba pang reklamo laban sa mga isinasangkot sa mga missing sabungeros matapos ang ikatlo o huling araw ng preliminary investigation sa department of Justice (DOJ).

Kinumpirma ito ni Senior Assistant State Prosecutor Charlie Guhit nitong Martes sa preliminary investigation sa kaso ng mga sabungeros.

Nangako naman si Guhit sa publiko na magiging patas ang panel of prosecutor sa mga kaso at titimbangin nang maigi kung dapat bang ibasura o i-akyat sa korte ang reklamo.

Ayon sa DOJ, 57 mula sa 62 respondents ang nakapaghain ng counter-affidavit kabilang ang itinuturong mastermind sa kaso na si Atong Ang, mga kaanak at si Gretchen Barretto.

Nagsumite rin ng sinumpaang salaysay ang magkapatid na Patidongan.

Hindi pa tiyak kung kailan ilalabas ang resolusyon dahil sa dami ng mga dokumento at ebidensiyang iniharap sa panel of prosecutors.

Sisikapin naman ng mga piskal na agad maresolba ang kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here