Idineklara niya ang isang Toyota Camry at isang Toyota Hiace Super Grandia. Ngunit ang mga ito ay hindi nakuha sa kanyang net worth, dahil inilista sila ni Barzaga bilang mga donasyon noong 2019.
Hindi siya nagdeklara ng anumang mga tunay na ari-arian, pati na rin ang mga pananagutan.
Inilista ni Barzaga ang apat na tao sa ilalim ng field na “Relatives In The Government Service” ng kanyang SALN.
Ito ay sina Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga, ang kanyang ina; Dasmariñas City Vice Mayor Elpidio Barzaga III, kanyang kapatid; Dasmariñas City Senior Administrative Assistant III Jocelyn Austria, ang kanyang tiyahin; at Provincial Board Member Nickanor Austria Jr., ang kanyang tiyuhin. RNT/MND