Home METRO 5 gun runner sa NE arestado

5 gun runner sa NE arestado

212
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Nalambat ng mga awtoridad ang limang indibidwal na magkakasabwat umano sa pagbebenta ng baril sa undercover police sa ikinasang buybust operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa harap ng isang gasoline station sa Barangay San Francisco, Sto.Domingo.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Alex”, “Rod”, “Ryan”, “Robert” at “Renan”, pawang mga nasa wastong gulang at residente sa naturang lugar.

Alinsunod sa programa ng CIDG na Oplan Paglalansag, kontra loose firearms, ikinasa ang operasyon.

Nadakip ang mga suspek na magkakasabwat umano sa pagbebenta ng isang baril sa police poseur buyer.

Nakumpiska sa operasyon ang isang hindi nabatid na kalibre ng baril, magazine at mga bala at ang marked money na ginamit sa buy bust.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here