Home METRO Karambola ng 3 sasakyan; grab rider todas

Karambola ng 3 sasakyan; grab rider todas

344
0

BULACAN, Philippines – Patay ang Grab rider matapos aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong umaga ng Oktubre 20.

Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si alyas ‘Bernard’, 32, residente ng Brgy. Minuyan Proper.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 8:00 ng umaga sa kahabaan ng Quirino Highway Sitio Curba, Brgy. Sto. Cristo.

Ayon sa imbestigasyon at base sa CCTV footage, binabaybay ng biktimang lulan ng black Honda Click motorcycle kasabay ang isang E-bike ang direksyon ng Quirino highway, Brgy. Kaypian nang aksidenteng banggain ng bus na umanoy nawalan ng preno.

Sa lakas ng impak, nawasak ang bahagi ng harapan ng bus habang pumailalim ang motorsiklo at tumilapon sa kalsada ang rider na nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang parte ng katawan.

Nabatid na nagkagasgas at nagkakupi naman ang E-bike na minamaneho ni alyas Ram, 53 ng Dasmariñas, Cavite.

Agad isinugod ng rumespondeng rescue team sa Ospital ng Lungsod ang biktima para sa paunang lunas subalit binawian na ito ng buhay kalaunan.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang bus driver na si alyas Antonio, 53 ng Fairview, Quezon City habang nasa kostudiya ng himpilan ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here