MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Navy (PN) nitong Martes na narekober nito ang pinaghihinalaang Chinese rocket debris sa Palawan sa panahon ng maritime operations sa West Philippine Sea (WPS) nitong weekend.
Sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City, sinabi ni PN spokesperson Capt. Marissa Martinez na ang mga debris, na inilarawan bilang metal at may marka ng bandila ng China, ay narekober ng BRP Lolinato To-Ong (PG-902) sa karagatan ng Bataraza noong Linggo.
Aniya, nakuha ng BRP Lolinato To-Ong, isa sa mga missile boat ng PN, ang mga debri sa “approximately 12.17 nautical miles southeast of (Barangay) Rio Tuba, Bataraza, Palawan.”
Ang bagay ay dinala sa Puerto Princesa City para sa dokumentasyon, pagtatasa, at disposisyon sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad.
Nakatulong din ang BRP Lolito To-Ong sa pagbawi ng tinatayang PHP19.2 milyon halaga ng hinihinalang marijuana na natagpuang lumulutang sa karagatan ng Sabina Shoal noong Sabado. RNT/MND