Home METRO STL sa Kyusi aprubado ng PCSO

STL sa Kyusi aprubado ng PCSO

356
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) ng Micesa 8 Gaming Inc. matapos aprubahan ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ang prangkisa ng kompanya.

Sa pagbubukas ng operasyon nitong Oktubre 20, nagsagawa ng motorcade ang bagong lisensyadong operator ng STL sa lungsod, kapalit ng dating may prangkisa na Lucent.

Ang pagbabagong ito ay nagmamarka ng panibagong yugto sa pagpapatakbo ng STL sa lungsod, isang hakbang upang maibalik ang tiwala ng publiko at mawakasan na ang talamak na operasyon ng mga ilegal na numbers game.

Ang prangkisa ng Micesa 8 Gaming Inc. bilang STL Authorized Agent Corporation sa Quezon City ay inaprubahan ni PCSO Gen. Manager Melquiades A Robles, alinsunod sa PCSO Board Resolution No. 163 Series 2025 na nagbibigay pahintulot na magpatakbo ng Small Town Lottery.

Ayon naman sa pamunuan ng Micesa 8, mahalaga ang mas matibay na kooperasyon sa pagitan ng Quezon City Police District (QCPD), at mga lokal na opisyal sa kampanya laban sa ilegal na sugal na patagong isinasagawa sa iba’t ibang barangay.

Naniniwala ang kompanya na sa tulong ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng PCSO, kapulisan, at mga lehitimong STL agent, maipatutupad ang isang tapat, maayos, at ligtas na sistema ng numbers game sa lungsod.

Tiniyak din ng Micesa 8 na susunod ang kompanya sa lahat ng alituntunin ng PCSO, kabilang ang tamang pag-uulat ng kita, patas na draw, at maagap na remittance sa pamahalaan..

Umaasa ang kompanya na sa tuloy-tuloy na suporta ng mga ahensya ng pamahalaan at ng mga mamamayan, magiging modelo ang lungsod Quezon sa pagpapatupad ng malinis, transparent, at lehitimong STL operations sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here