MANILA, Philippines – Umabot ng mahigit 36,000 aplikasyon ang natanggap ng Commission on Elections sa unang araw ng pagappatuloy ng voter registration noong Lunes at Martes.
Sa inisyal na datos na inilabas ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia, nakatanggap ang poll body ng kabuuang 36,536 voter registrations sa buong bansa noong Oktubre 20.
Sa bilang na ito, naitala ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) ang pinakamataas na bilang ng mga aplikasyon sa 8,290, na sinundan ng National Capital Region na may 4,637 at Central Luzon na may 4,100.
Tatanggap ng bagong registration ang Comelec , reactivations at transfers ng registration sa buong bansa.
Naglunsad din ng Special Register Anywhere Program sa Parañaque Integrated Terminal Exchange, Luneta Park, at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila mula October 20 to 21.
Ang mga interesadong aplikante ay maari lamang mgdala ng kanilang valid IDs. Jocelyn Tabangcura-Domenden