MANILA, Philippines – Karamihan sa mga Filipino ang nagsasabing dapat na tutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapababa sa presyo ng mga pagkain.
Ayon sa Social Weather Station, 56% ng mga Filipino ang nagsabing ito ang nangungunang isyu na dapat tutukan ng Pangulo.
Partikular na nais makita ng mgs Pinoy ang pagpapababa sa presyo ng bigas, karne, isda at mga gulay.
Mayroong 1,500 respondents ang tinanong sa survey na kinomisyon ng Stratbase Group.
“This concern topped the list of national issues that Filipinos believe should be the administration’s priority,” ayon sa consultancy firm.
Ang isyu ng mataas na presyo sa pagkain “resonated most strongly” sa Visayas at Mindanao, kung saan maraming mga pamilya rito ang naghihirap pa rin.
Nagpahayag din ng mas malaking pangamba sa presyo ng mga pagkain ang mga Filipino sa rural areas kumpara sa mga nasa urban centers, “underscoring how inflation continues to hit poorer communities the hardest.”
Sa survey, 31% ng mga respondent ang humimok sa pamahalaan na tugunan ang korapsyon “signaling that citizens aspire for both economic relief and good governance,” ayon pa sa Stratbase.
Pinangunahan ng mga respondents sa Metro Manila ang naturang panawagan na sinundan ng Luzon, at Visayas at sinabing “the data reflects a nationwide concern over the misuse of public funds.”
Ayon kay Victor Andres “Dindo” Manhit, presidente ng Stratbase Group, ang survey “highlights the urgent reality that Filipinos are still struggling to afford basic food.
“The more they cannot afford the price of basic food like rice, the more they will ask for concrete reforms on corruption—issues that the President himself has flagged to the Filipino public.”
“Filipinos are sending a strong message: do not forget to address inflation and ensure food security while strengthening transparency and accountability in government spending.”
Sa hiwalay na Pulse Asia survey na inisyu noong nakaraang linggo, lumabas din na karamihan sa mga Filipino ang nagsabing kritikal sila sa hakbang ng Marcos administration na pahupain ang inflation at labanan ang korapsyon.
Samantala, nais din ng mga Filipino na magbigay ng sapat na aksyon ang pamahalaan sa edukasyon at pagpapabuti ng healthcare facilities. RNT/JGC