Home NATIONWIDE Naga–Lupi Viejo route ng PNR pagaganahin na simula Nobyembre 5

Naga–Lupi Viejo route ng PNR pagaganahin na simula Nobyembre 5

304
0

MANILA, Philippines – Magsisimula na ang operasyon ng Naga-Lupi Viejo na ruta ng Philippine National Railways (PNR) sa Camarines Sur simula Nobyembre 5, 2025.

Ayon kay PNR general manager Deovanni Miranda, isang oras at 39 minuto lamang ang byahe sa naturang ruta ng tren kumpara sa dalawang oras na byahe ng iba pang paraan ng transportasyon.

“Tuloy-tuloy po ang ating pagsasaayos sa mga imprastraktura ng PNR, para rin po makapaghatid pa tayo ng mura, ligtas, at maayos na pampublikong transportasyon sa mas maraming komyuter,” ani Miranda.

Ang mga istasyon sa Naga–Lupi Viejo route ay ang Lupi Viejo sa Lupi, Sipocot, Libmanan, Pamplona, at Naga.

Ang ruta ay bumibiyahe mula Naga patungong Lupi Viejo at pabalik.

Magsasakay din ito ng mga commuter sa flag stops sa Lupi Nuevo/Tapi, Malaguico, Azucena, Awayan, Mantalisay, Camambugan, Rongos, Malansad, Mambulo, Borabod, at Sampaloc.

Magkakaroon ng tatlong byahe mula Naga patungong Lupi Viejo at tatlo naman mula Lupi Viejo patungong Naga simula sa mga sumusunod na oras:

Naga to Lupi Viejo: 4:29 a.m., 9:49 a.m., and 3:14 p.m.
Lupi Viejo to Naga: 6:23 a.m., 11:43 a.m., and 5:08 p.m.

Ang pamasahe ng tren ay mula P15 hanggang P75. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here